Damdam
Posted on January 13, 2009 - Filed Under Damdam | Comments Off
Bakit ganoon?

Ni Pauline
Hanggang ngayon, masakit pa rin sa tenga kung manukso si Emmanuelle. "You really are bading. You would always find a way to insert into the picture your beloved sunflowers."
Nagpapasensiya lamang po ako sa aking kambal. Pilit inu-unawa. Coño lang po siya talaga. Kahit na sa kanyang panaginip, Inglisera pa rin. Kahit na ang setting ng kanyang panaginip ay panahon ng mga Español o mga Hapon. Paatrasin ko pa, kahit na ang panahon ay hindi pa nahingahan ni sa hinagap ng mga Español o mga Hapon. Itatakwil talaga siya ni Lapu-lapu, isda man o mangingitil ni Magellan.
Ang aking mahal sa buhay ay tahimik sa kanyang pagbabasa ng kape at paghigop ng pahayagan. May mga usapang di siya nakikisawsaw, kahit na ang kanyang mga bagang ay nanggagalaiti na sa panggigigil.
"Babaing bading, correction please. Bakit, is it that great a wrong to paint my sunflowers into the scene?" O di ba? Akala niya, siya lang ang magaling sa wika ng mananakop.
"Tell that to those dopey-eyed fools who offered you a stalk, a bunch, or the sons and daughters of a pod." Sabay ng panlalaki ng mga mata ni Emmanuelle ang pagkabigla. Sabay rin kaming bumaling sa aking mahal sa buhay.
"Akala ko ba, ako lang ang naghandog sa iyo ng sunflower?"
"Ay, ikaw nga lang naman ang naghandog. Ng pinakamalaking sunflower."
Tila ako ay kinabahan sa kanyang padabog na pagtayo. Kinolekta niya ang mga pahina ng kape at ang kopita ng pahayagan. Iwas-tingin sa akin, siya ay nagmartsa mula sa kainan, palabas ng aming di-hahamaking tahanan, paakyat sa ituktok ng burol sa bandang likuran na namumutaktak sa daan-daang sunflowers. Sa silong ng batang puno ng pino, kanyang inilatag ang mga dalahin. Patalikod sa amin. Kung may ibig siyang ipahiwatig sa akin, naipahiwatig na niya.
Hindi ko kailangang sambitin ang "you see what you did". Emmanuelle saw what she did.
Pauline: Saan ka nga ba galing? At sino siya? (Sabay turo ng mga labi sa panauhing nakadungaw sa bintana at nagmamatyag sa likuran ng aking mahal sa buhay.)
Emmanuelle: Somewhere you would not want to be. She follows me around, like her life depends on it. Even when I were in the loo, she knocks, she scratches on the door.
Pauline: Ikuwento mo nga ang kuwento nya.
Emmanuelle: As I said, I was somewhere where you would not want to be. Her family volunteered her services to me in exchange for abasto brought home at the end of the day. One early morning, as I was brushing my teeth, I looked up, and she was there at the mirror. I mean, her reflection was on the mirror. She was leaning on the doorframe, in her torn chemise, unwashed, uncombed, unshod. I asked her through the mint bubbles: what is it, Andring?
Andring: Hindi po ako makatulog. Hindi po ako makakain. Ako ay naduduwal. Ako ay nalilito. Ako ay naliligalig. Wari ko ba, ako ay nagdadalang-tao?
Emmanuelle (Sighs. And not because she has to speak in Tagalog.) Andring, di ka puedeng magbuntis. Anim na taon ka pa lamang.
Andring. Ay, ganoon po? Kung si Itay o si Kuya ay pilit natabi sa akin, hindi na po ako maliligalig? Dahil sa ako ay anim na taon pa lamang?
Pauline understands: Oh.
Emmanuelle confirms: Ah.
Philippines Chat